Wordpress o Blogger?

7:44 PM

Anu ang Magandang Content Management System (CMS) ang Wordpress o Blogger?
Kapag may idea ka na at gusto mo itong isulat online, meaning gusto mo nang mag blog.
Ang pag ba blog ay isang uri ng pagsusulat ng mga bagay bagay, pangyayari sa iyong buhay, iyong mga napuntahang magagandang lugar, iyong mga nagustuhang kagamitan o bagay tulad ng gadget o di kaya ay gusto mong ibahagi ang iyong mga natutunan (tutorial lessons) at marami pang iba.

Kung gusto mong mag bahagi ng iyong kalaaman online sa pamamagitan ng pagsulat, syempre gusto mong gumawa ng iyong personal website. Subalit kung ikaw ay walang sapat na kaalaman sa pag gawa nito maaring hinde mo maisakatuparan ang lahat na ito at ang ending ay mag ha hire ka ng website developer na gagawa nito para sa iyo at kailangan ay may sapat ka na budget sa pag bayad dito.

Dahil sa napakabilis ang mga pagbabago sa teknolohiya at maraming experto sa buong mundo na gumagawa ng mga tools na pwedi mong gamiting ng libre o di kaya ay sa maliit na bayad.

Isa sa mga tools na ito na pwedi mong gamitin sa iyong pagsusulat online ay ang tinatawag na Content Management System(CMS) tulad ng Wordpress at Blogger. Hinde mo na kailangan mag enroll ulit sa mga universidad para kumuha ng mga subject na related dito para matutunan ang pag gawa ng sarili mong website.

CMS - ito ay libreng tools sa mga gustong magsulat pang internet na ang kalalabasan ay iyong sariling website na hinde mo na kailangang mag manual coding ng html,css,javascript at php.
Ang pag gamit nito ay tulad na rin ng mga nakasanayan mong word editor na ang halimbawa ay ang Microsoft Word ng Windows. 

Kung gusto mong matutunan kung paano mag simulang magsulat gamit ang blogger sundan mo lang ang mga tutorial ko sa link na ito ---->> Paano gumawa ng website sa Blogger

Kung gusto morin matutunan kung paanu mag simulang magsulat gamit ang Worpress sunda mo rin ang mga tutorial ko sa link na ito ---->> Paano gumawa ng website sa Wordpress

Wordpress o Blogger?


Bago ka magsimula kailangan mo ring malaman kung anu ang nararapat sa mga tools na ito ang iyong piliin base sa iyong budget at klase ng produkto o idea na gusto mong ibahagi.

Ang dalawang CMS na ito ay libre mong gamitin sa pasusulat. 
Pwedi ka rin magsimula ng libreng website gamit itong dalawang CMS na ito.

Libreng website gamit ang Blogger - ang iyong website ay magkakaroon ng subdomain na (dot)blogspot(dot)com. halimbawa: imbes na ganito http://juandelacruz.com ay magiging ganito http://juandelacruz.blogspot.com

Libreng website gamit ang Wordpress - ang iyong website ay magkakaroon ng subdomain na (dot)wordpress(dot)com. halimbawa: imbes na ganito http://juandelacruz.com ay magiging ganito http://juandelacruz.wordpress.com



  • Blogger

Kung balak mong mag upgrade sa sarili mong domain at ipapangalan sa sarili mo o sa brand mo ay kailangan bibili ka muna ng sarili mong domain. Halimbawa nakabili ka na ng domain na juandelacruz.com at gamit mo ay blogger sundan mo lang ang post na ito --->> Paanu mag upgrade sa top level domain. Kapag mag upgrade ka or ilipat mo na ang pangalan ng website mo sa sarili mong domain di mo na kailangan mag simula ulit kundi babagohin mo lang ang pangalan ng iyong website. example: from http://juandelacruz.blogspot.com ito ay magiging http://juandelacruz.com, kung paano ka nag popost ay ganun parin wala ng nagbago.

Tulad ng isa kung blog, nung nagsisimula palang ako ang blog ko ay http://inboracay.blogspot.com at dahil nag upgrade na ako ito na sya ngayun. http://www.inboracay.com. update as of year 2019  balik na ulit sa https://inboracay.blogspot.com

Sunod mo nalang na gawin ay pagandahin ang itsura ng iyong website sa pamamagitan ng pag upload ng magandang themes na meron ng menu at responsive. Ito ang post na pwedi mong sundan --->>> Paanu pagandahin ang iyong website na gamit mo ay Blogger.

Advantage ng Blogger

  • Hinde mo na kailangan bumili ng hosting site, ito ay hosted na ng google at lahat ng webpage mo, picture of file ay naka save na sa google hosting site.
  • Domain name nalang ang bibihin mo.
  • Di mo na kailangang mag file transfer ng mga webpage at mga file tulad ng picture gamit ang FTP file transfer tools.
  • Ang gagawin mo nalang ay mag susulat at mag post ng mga content mo.
  • Halos lahat ng widget o plug-in ay libre.
  • Marami ding libreng themes na pwedi mong gamitin.

Disanvantage sa Blogger

Dahil ito ay google hosted, di mo ma access ang mga files mo. Kung ikaw ay isang webpage developer at gusto mong mag upload ng sarili mong files o page hinde mo ito magagawa dito.



  • WordPress

Meron ding libreng blogsite na hosted nito na gamit ang subdomain na (dot)wordpress(dot)com or (dot)wordpress(dot)org, ngunit meron na itong ads from wordpress. Kung gusto mo na wala ads kailangan ay sa sarili mong nabiling domain at hosting site.

Kapag itong CMS ang gagamitin mo kinakailangan mong bumili ng sarili mong domain name at hosting site. Ito yung post na pwedi mong sundan sa pag setup ng domain at hosting site mo --->>> Paanu gumawa ng blog gamit ang WordPress.




Advantage sa Wordpress

  • Open Source 
  • Kapag ikaw ay website developer at gusto mong maging madali ang pag design, dito mara mi kang magagawa sa pag customize.
  • Maraming Themes na pwedi mong pagpilian.
  • Maraming Plug-ins na pwedi mong gamitin.
  • Makakapag upload ka ng sarili mong files, script, codes, pictures at marami pang files.
  • Madali kang makapag set up ng buying cart pages, kung ikaw ay online store.

Disadvantage ng Wordpress

  • Halos lahat ng Themes ay may bayad.
  • Karamihan sa plug-ins ay may bayad.
  • Ang mga libre na plug-ins at themes ay may limitasyon at kinakailangan mong mag bayad sa pag upgrade nito para ma enjoy mo ang kabuoan.
  • Kinakailangan mo pang gumamit ng File Transfer Protocol(FTP) tools para mag upload ng mga files mo.
Kung gusto mo mag try ng libreng hosting website pwedi mong subukan ito ===>>hostinger.ph
Kung gusto mong bumili ng domain name na dito lang sa Pilipinas in pesos ang bayad at madali mong ma contact kung kinakailangan. Try mo mag search dito.

Domain Registration

So may napili ka na ba?

Good luck and happy blogging!




You Might Also Like

1 comments

  1. Free internet tricks 😊- https://pinoyhackingtricks.blogspot.com

    ReplyDelete